Health Sec. Duque, nasaktan umano sa panawagan ng mga senador na magbitiw siya sa pwesto

180

Inamin ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga kongresista na nasaktan umano siya sa panawagan ng mga senador na magbitiw siya sa pwesto.

Sa teleconference meeting ng House Defeat COVID-19 Committee kasama si Duque at iba pang opisyal, inamin nito na unfortunate at lubha siyang nasaktan sa ginawa ng mga senador na pinagbibitiw siya sa posisyon sa gitna ng krisis.

Ito aniya ang panahon na dapat ay nagkakaisa ang lahat para labanan ang nagiisang kalaban na COVID-19.


Magkagayunman, iginagalang pa rin ng Kalihim ang naging opinyon ng 14 na senador para bumaba siya sa pwesto.

Pero sinabi ni Duque na hangga’t patuloy na pinagkakatiwalaan ang kanyang kakayahan siya ay magpapatuloy sa paninilbihan sa gobyerno alinsunod sa pleasure o sa gusto ng Pangulo.

Facebook Comments