Health Sec. Francisco Duque, hindi pwedeng mag-skip ng mga susunod na pagdinig ukol sa PhilHealth, Sen. Gordon

Iginiit ni Sen. Richard Gordon, Chaiperson ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi na maaaring hindi makadalo si Health Sec. Francisco Duque III sa mga susunod na pagdinig tungkol sa mga anomalya sa PhilHealth.

Matatandaang nagpadala ng sulat si Duque sa Senado kung saan hindi ito makakapunta sa unang pagdinig na itinakda sa Huwebes.

Dadalo kasi si duque sa mga lugar na mataas ang kaso ng dengue.


Ayon kay Gordon, pwedeng mag-skip si Duque sa unang hearing day lalo na at nasa National Alert ang bansa dahil sa tumataas na kaso ng Dengue.

Diin pa ni Gordon, kahit lumiban si Duque sa mga pagdinig, hindi nito mapipigilan ang paglalabas ng katotohanan.

Maliban kay Duque, iimbitahan sa pagdinig ang mga Regional Officers ng PhilHealth, kinatawan mula sa Commission on Audit, at kamag-anak ni Duque.

Una nang inakusahan ni Sen. Panfilo Lacson si Duque ng conflict of interest dahil ang PhilHealth Office sa Ilocos Region ay umuupa sa gusaling pagmamay-ari ng pamilya ni Duque.

Facebook Comments