Nilinaw ng Malacañang na hindi pa rin absuwelto sa mga nangyayaring anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si Health Secretary Francisco Duque III.
Ito ay pahayag ng Palasyo matapos hindi mapasama si Duque sa listahan ng mga opisyal na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapatuloy ang imbestigasyon sa PhilHealth kahit isinumite na ng task force ang initial findings at recommendations nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni Roque, na pauna lamang ito lalo na at limitadong panahon lamang ang ibinigay sa task force para makabuo ng rekomendasyon.
“This is only the beginning. Nakasaad din sa report na magpapatuloy ang imbestigasyon ng NBI (National Bureau of Investigation) at DOJ (Department of Justice) at magpapatuloy ang imbestigasyon ng Ombudsman,” sabi ni Roque.Health Sec. Francisco Duque III, hindi pa rin absuwelto sa anomalya sa PhilHealth – Palasyo
Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng task force na sampahan sina dating PhilHealth Chief Ricardo Morales at iba pang high-ranking officials dahil sa pagkakadawit sa iregularidad sa ahensya.