Health Sec. Francisco Duque III, ipinatatalaga bilang Vice Chair ng NDRRMC para sa epektibong paglaban sa N-CoV

 

Iminungkahi ni Albay Representative Joey Salceda na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Vice Chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Salceda, ito ay para magkaroon ng kapangyarihan ang Department of Health (DOH) na magamit ang NDRRMC ecosystem na makakatulong para malabanan ang 2019 Novel Coronavirus.

Ibig sabihin magkakaroon ng access ang DOH sa disaster response machinery at resources ng pamahalaan tulad noong paglaganap ng AH1N1 noong 2009 sa bansa.


Paliwanag ng kongresista, dapat na itong gawin dahil ang Interagency Task Force (IATF) on Emerging Diseases ay walang sapat na pasilidad at kagamitan para sa tracing, surveillance at containment sa biglang pagkalat ng infectious disease.

Pinayuhan naman ni Salceda ang publiko na sundin at paniwalaan lamang ang advice ng DOH at mga Health Authorities sa N-CoV.

Facebook Comments