
Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na Pebrero pa lamang ay nag-order na ang ahensya ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga healthcare workers.
Ayon kay Duque, nagawang makapaglagay ng procurement order ang DOH at Philippine International Trading Corporation, isang attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Pebrero.
Ang delivery ng PPEs ay naantala nitong Marso at Abril dahil sa kawalan ng supply sa iba’t ibang panig ng mundo bunsod ng COVID-19 pandemic.
Isusumite ng DOH ang lahat ng dokumento kaugnay sa procurement process sa Office of the Ombudsman na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa COVID-19 response.
Nabatid na inanunsyo ng DOH na bumili ito ng isang milyong PPE sets na nagkakahalaga ng ₱1.8 billion noong March 30.









