Ginisa ng ilang mga Senador si Health Secretary Francisco Duque III tungkol pa rin sa isyu ng conflict of interest sa ahensya ng PhilHealth.
Partikular ang mga gusaling pagmamay-ari ng pamilya ni Duque na binabayaran ng PhilHealth.
Ayon kay Duque, hindi siya lumapit sa PhilHealth kundi may kumausap lamang sa kanyang kapatid na makigamit ng kanilang gusali.
Ayon kay Sen. Ping Lacson, umabot na sa halos ₱154 Bilyong piso ang nawawala mula sa pondo ng PhilHealth.
Dagdag pa ni Sen. Bong Go, dapat ay may managot sa mga nangyayaring maanumalyang transaksyon na nagiging sanhi ng pagkalugi ng ahensya lalo pa’t matindi umano ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang korapsyon.
Facebook Comments