Health Sec. Herbosa, nagpaliwanag sa mungkahing pagpapalit ng pangalan ng DOH sa Department of Health and Wellness

Nagpaliwanag si Health Secretary Ted Herbosa sa mungkahi nitong pagpapalit ng pangalan ng Department of Health (DOH) patungong Department of Health and Wellness.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Herbosa na sa ilalim kasi ng Universal Health Care ay isinusulong ng kagawaran ang primary care at pagpapanatili ng maayos na kalusugan.

Nananiwala aniya ang kalihim na sa halip na dumiretso sa emergency room kapag nagkasakit ay dapat napapanatili ng mga Pilipino ang maayos na kondisyon ng katawan.


Hindi rin daw sapat na walang sakit ang publiko, dahil kailangan maging malusog ng bawat Pilipino.

Gayunpaman, aminado si Herbosa na magastos at maraming kailangan ang pagpapalit ng pangalan ng DOH kaya gagamitin na lamang muna nila ang pondo laban sa dengue.

Nilinaw rin ng kalihim na pinag-aaralan pa lang naman ang plano at uunahin ng DOH na tutukan ang kalusugan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments