Sinaksihan ni Health Secretary Francisco Duque at Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ang pagpapabakuna ng mga health worker sa East Avenue Medical Center (EAMC).
Ayon kay Dr. Sidney Manahan, Vice Chairman ng COVID-19 vaccination Task Force ng EAMC, may 600 doses ng Sinovac ang dinala sa East Avenue Medical center at abot sa 100-200 na health workers ang pumayag na magpabakuna ng Sinovac.
Binawasan na rin ang ilang steps bago dumiretso sa vaccination area.
Noong nakaraang linggo pa isinagawa ang outpatient pre-assessment sa mga health personnel at pawang mga maaayos ang vital signs ang bibigyan ng clearance.
Ayon sa isang vaccinee na si Dr. Joy Bucquir, ang pagpapabakuna ang pinakamagandang nagawa niyang desisyon para sa kaniyang sarili para sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.