Health Secretary Francisco Duque III, pabor sa pagtatayo ng mga maliliit na drug rehabilitation sa mga komunidad

Manila, Philippines – Sang-ayon ang bagong talagang si DOH Secretary Francisco Duque III sa mungkahi ni Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago na magpatayo ng mga Community-Based Drug Rehabilitation Center.

Ayon kay Duque ang importante ay mapalawak ang access sa rehabilitasyon ng mga drug dependent sa bansa.

Kumbinsido ang kalihim na mainam kung may suporta ng komunidad at pamilya ang rehabilitasyon ng isang nalulong sa ipinagbabawal na gamot.


Giit ni Duque na hindi umano nangangahulugan na dahil mayroong malalaking Regional Center ay hindi na uubra ang pagkakaroon ng Community-Based Center.

Ginawa ni Duque ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni Santiago na nagkaroon ng miscalculation sa panig ng DOH nang imungkahi nito ang pagtatayo ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na may kapasidad na sampung libong pasyente.

Facebook Comments