Health Secretary Francisco Duque III, tinawag na big joke ng isang kongresista

Tinawag na ‘big joke’ ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers si Health Secretary Francisco Duque III, kasunod ng pahayag ng kalihim na nag-flatten na ang curve o bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula pa noong Abril.

Ayon kay Barbers, ang mga ganitong pahayag ni Duque ang dahilan kaya nalalagay sa panganib ang bansa sa gitna ng pandemya.

Sinabi ng kongresista na para maka-survive sa global health crisis ay kinakailangan ng bansa ng isang maaasahang gabay mula sa opisyal.


Subalit, ang Department of Health (DOH) sa ilalim ng pamumuno ni Duque ay nawalan na ng kredibilidad dahil sa kaniyang mga pahayag na walang batayan, kontra sa mga facts at kadalasang pinapasinungalingan o itinatanggi ng kaniyang mga kapwa kalihim at opisyal sa pamahalaan.

Umaasa ang mambabatas na sana sa lalong madaling panahon ay makahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit ni Duque na isang competent official upang maibalik ang nawalang kredibilidad ng ahensya.

Facebook Comments