Health Secretary Francisco Duque III, walang nakikitang problema sa pagpapahintulot ng walk-ins sa vaccination effort sa Maynila

Walang nakikitang problema si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga walk-in daily vaccinations kasunod ng mababang turnout ng mga indibidwal sa binuksang by-appointment-only system.

Sa panayam ng media matapos salubungin ang 2M doses ng Sinovac sa NAIA terminal 2, sinabi ni Duque na walang problema kung ang layunin ng Local Government Unit (LGU) ay gawing episyente ang proseso ng bakunahan.

Pero, dapat lang aniyang bantayan ng LGU at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng minimum health protocol partikular ang pagpapatupad ng social distancing.


Pero,nilinaw ng kalihim na kailangan pang i-review at sinupin ang proseso ng walk-in vaccination.

Facebook Comments