Health Secretary Francisco Duque, inihayag na tumaas na ang kumpiyansa ng publiko sa Sinovac vaccine

Ikinalugod ni Health Secretary Francisco Duque ang pagtaas ng kumpiyansa ng mga Pilipino sa Sinovac na donasyon ng China.

Sa pulong balitaan sa East Avenue Medical Center, sinabi ng kalihim, nakikita na ngayon na nagsusunuran na ang mga gustong magpabakuna.

Ito’y ay dahil napakalaking bagay aniya ang ginawa ng mga hospital influencers na unang nagpabakuna gaya nina Dr. Gerardo Legazpi ng Philippine General hospital, Dr. Alfonso Famaran ng Jose Rodriguez hospital, FDA director general Eric Domingo at ang huli ay ang medical chief ng East Avenue Medical hospital na si Dr. Alfonso Nuñez.


Batay aniya sa isang survey na inilabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang cabinet meeting, 77 percent ng mga respondent ay gustong magpabakuna basta mayroon lamang mauuna.

Bukod sa East Avenue hospital, tatlo pang hospital ang sabayang nagsagawa ng resbakuna, ang pagsisimula ng bakuna laban sa COVID-19 dito sa Quezon City ngayong araw.

Kabilang na dito ang National Kidney and Transplant Institute, QC General Hospital at mamayang hapon ang St Luke’s Medical Center.

Facebook Comments