Health Secretary Ted Herbosa at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., haharap sa Commission on Appointments ngayong linggo

Sasalang bukas, araw ng Martes, sa Commission on Appointments (CA) sina Health Secretary Teodoro Herbosa at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ito ay para sa kumpirmasyon sa kanilang ad interim appointment bilang kalihim ng health at agriculture department.

Ito ang unang pagkakataon na haharap si Tiu-Laurel sa CA mula nang italaga ng pangulo nito lamang Nobyembre.


Posible namang maitanong ng mga myembro ng panel ang posibleng “conflict of interest” nito sa ahensya dahil sa kanyang malaking negosyo sa fishing industry.

Samantala, ito naman ang ikalawang beses na pagsalang ni Herbosa sa CA matapos ang unang paharap nito sa komisyon noong Setyembre.

Hindi naaprubahan ng CA ang ad interim appointment ni Herbosa matapos na ma-bypass dahil sa kakapusan ng oras at sa dami pa ng mga mambabatas na gustong magtanong sa kanya.

Facebook Comments