Palalakasin pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng teknolohiya sa pagpapatupad ng mga hakbang sa iba’t ibang sektor sa bansa para sa lalo pang pagsulong ng Pilipinas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihalimbawa ni DOST Secretary Renato Solidum ang pagpapalawak sa smart agriculture sa bansa.
Isa aniya sa mga isinasaalang-alang ng pamahalaan ang pagbalanse sa kapaligiran at negosyo.
Ayon kay Solidum, kasabay ng pag-unlad ay dapat ding matiyak na hindi nasisira ang kalikasan.
Dito na aniya papasok ang smart technology, lalo na sa linya ng disaster at climate resiliency, human security, at maging sa edukasyon.
Layon ng pamahalaan na makasabay ang Pilipinas pagdating sa inobasyon, paggamit ng makabagong teknolohiya, at progreso ng ibang mga bansa.