Sa pagpapalit ng bagong administrasyon ng Mangaldan, tutukan dito ang pagpapalakas sa serbisyo ng pangkalusugan sa bayan.
Sa isinagawang pagpupulong ng Alkalde kasama ang mga doctor at nurse ng Municipal Health Office, hinimay ng mga ito ang mga programang makakatulong sa mga residente ng bayan.
Ayon kay Mayor Bona Fe De Vera-Parayno, mahalaga na angkop ang kasanayan ng at work ethics ng mga empleyado ng MHO.
Tutukan din nito ang certification ng birthing clinic maging ang organisadong schedule ng mga doctor at nurse.
Nakatakda ding magpatayo ng isang dialysis center ang bayan na layuning matulungan ang mga residenteng may problema sa kidney. |ifmnews
Facebook Comments