Cauayan City, Isabela-Target ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na mas lalo pang mapalakas ang sektor ng kalusugan sa probinsya habang patuloy na lumalaban sa harap ng pandemya.
Ito ang kanyang pangunahing tinalakay sa harap ng mga miyembro ng Provincial Task Group on COVID-19 (PTGC) at Provincial Health Board (PHB), na kanyang pinamumunuan.
Naging sentro ng usapin ang pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 sa lalawigan maging ang ilan pang programa at proyekto sa pagtugon sa pandemya.
Kaugnay nito, aprubado na ang iminungkahing pagbabago sa Guidelines ng Operation and Accommodation of Establishments sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), at ang pagbibigay ng Special Risk Allowance at Active Hazard Duty Pay para sa karapat-dapat na Public Health Workers.
Maliban dito, napag-usapan rin sa pagpupulong ang planong pagbili ng COVID-19 vaccines para magamit ng mga Novo Vizcayano.
Pagtitiyak naman ni Padilla na may sapat na dagdag na tao at ang pagtugon sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19.
Muli namang hinimok ng opisyal ang publiko na patuloy na makiisa sa mga awtoridad partikular na pagsunod sa ipinapatupad na health and safety protocol.