Bumisita kahapon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang matataas na opisyal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 at Inter-Agency Task Force (IATF).
Inalam ng mga ito ang kasakuluyang health situation at tinalakay ang mga paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa rehiyon.
Ilan sa mga tumungo sa BARMM at nakipag-usap sa mga miyembro ng BARMM Regional Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ay sina NTF Chairperson, Defense Secretary Delfin Lorenzana, NTF Vice Chairperson, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III; at Presidential Peace Adviser at National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr.
Hindi rin nakalimutan ng mga opisyales na magbitbit ng mga medical supplies para sa mga health frontliners sa rehiyon.
Ibinigay nila ang 23,000 rapid test kits, 1000 KN95 masks at unang 1,000 Personal Protective Equipment (PPEs) mula sa 5000 PPEs na para sa BARMM region.