Kung init ng relasyon ang pag-uusapan hindi na kailanganng ano pang pampapalamig ngunit kung kalusugan ang pag-uusapan tandaan na ito ay kayamanan kaya marapat lamang naalagaan.
Dahil umiinit na ang panahon uso na naman ang heat stroke at hirap makapag focus sa trabaho at sa pag-aaral. Kadalasangsintomas nito ay ang pagkakahilo at pananakit ng ulo. Angresulta ng heat stroke na dala nitong init ay puwedeng magingsanhi ng matindi at permanenteng pagkasira ng mag maseselangorgan sa ating katawan.
Minsan ay bumibilis ang paghingal at pagtibok ng puso.Kapag hindi to naagapan sa ospital ay puwedeng humantong sapagkawalang malay at pagkamatay.
Tips para makaiwas sa Heatstroke:
1. Huwag lumabas ng bahay mula 10 am hanggang 4 pm. Kahit nasa beach ka ay dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganoong oras.
2. Mag-suot ng preskong damit ng kulay puti
3. Magpayong upang maproteksyonan ang ating balat saaraw.
4. Huwag masyadong mag-ehersisyo kapag mainit. Masmabilis kasi mapagod an gating katawan.
5. Uminom ng malamig na tubig,hanggang 12 na baso saisang araw.
6. Kumain ng pakwan na maraming tubig dahilnagpapaginhawa ito ng katawan.
Contributed by Mark Francisco