Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) ang paglalagay ng health warning label sa mga sugar sweetened beverages.
Ito ay alinsunod na rin sa nais ni Pangulong Rodrido Duterte na mabigyan ng kaalaman ang publiko sa panganib sa kalusugan ng sobrang pagkonsumo ng matatamis na inumin.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, inaasahang sa loob ng isang buwan ay makakapaglabas na sila ng direktiba ukol sa labelling requirement sa sugar sweetened beverages.
Sa ngayon aniya ay naka-focus sila sa labelling requirement para sa powered juice drink tulad ng iced tea at energy drink.
Facebook Comments