Health Worker sa Isabela, kabilang sa COVID-19 Positive sa Region 2

*Cauayan City,Isabela*- Muling nakapagtala ng limang (5) panibagong kaso ng COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health Region 2.

Ayon sa DOH, muling nakapagtala ng dalawang positibong kaso ang Probinsya ng Nueva Vizcaya na sina PH 2313, isang 30 anyos na lalaki habang si PH 2315 isang babae na 53 anyos.


Habang isang 29 anyos na health workers ang nagpositibo rin sa covid-19 mula sa Bayan ng Cabagan sa Isabela at ito ay kabilang sa surveillance team na nagsasagawa ng contact tracing  sa mga nakasalamuha ng mga naunang nagpositibo sa sakit sa Tuguegarao City

Kaugnay nito, muling nakapagtala ang Probinsya ng Cagayan ng dalawang kaso kabilang ang isang OFW na si PH 2268, 35 anyos mula sa Bayan ng Tuao habang isang American Citizen na 71 anyos mula sa Tuguegarao City ang positibo rin.

Sa kabuuan, 20 na ang positibo sa covid-19 habang anim dito ay una ng nakarecover.

Facebook Comments