Health workers, hindi titigil sa pagprotesta hangga’t hindi pa natatanggap ang mga nararapat na benepisyo

Hindi titigil ang mga health worker sa bansa sa kanilang pagpoprotesta hangga’t wala pa silang natatanggap na karampatang benepisyo.

Ito ang iginiit ng isang grupo ng health workers isang araw bago ang kanilang gagawing mass protest sa iba’t ibang bahagi ng bansa bukas, unang araw ng Setyembre.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Alliance of Health Workers President Robert Mendoza na bukod sa mababang sweldo ay hindi pa rin natatanggap ng karamihan sa kanila ang mga benepisyo kagaya ng Special Risk Allowance.


Una nang sinabi ni Mendoza na hindi pa rin sila titigil na mag-ingay kahit magbitiw man sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

Facebook Comments