Health workers, hinikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto na magpabakuna laban sa COVID-19

Hinimok ngayon ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga healthcare workers na agad magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Mayor Sotto na dapat maunawaan ng mga nurse at Pasig health aides na ayaw magpabakuna na kinakabahan sila hindi lamang sa mga health workers at frontliners kundi sa kanilang mga pamilya at maging ang kanilang pasyente na posibleng mahawaan sakaling magpositibo sila sa COVID-19.

Paliwanag ng alkalde, ang Local Government Unit (LGU) ay mayroon nang 630 doses ng AstraZeneca sa lungsod kaya hindi umano nila pinipilit ang mga healthcare workers na magpabakuna pero sayang umano ang pagkakataon na ibinibigay para sa mga frontliners.


Giit ni Mayor Sotto, mapupunta sa mga hindi non-healthcare frontliners ang mga slots na nakalaan sana para sa kanila kung ayaw silang magpabakuna.

Facebook Comments