Health workers, isasalang sa traning para tukuyin ang adverse effects ng Janssen vaccine – DOH

Sasanayin ng Department of Health (DOH) ang mga healthcare worker na matukoy ang mga adverse effect na maaaring dulot ng Janssen COVID-19 vaccine ng kompanyang Johnson & Johnson.

Kasunod ito ng pagbibigay ng Emergeny Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) sa Janssen vaccine.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakapaloob sa EUA ng FDA para sa Janssen vaccine na dapat magkaroon ng training ang mga healthcare worker lalo na’t ilang kaso umano ng blood clotting o pamumuo ng dugo sa mga naturukan ng bakuna ang naitala sa ibang bansa.


Batay aniya sa mga eksperto, minor lamang ang mga naitalang adverse event sa mga bakunang nagamit na rito sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Vergeire na dahil sa inaasahan na ang pagdating ng iba’t ibang brand ng bakuna sa mga susunod na linggo at buwan ay magtatayo ang gobyerno ng mas malalaking vaccination sites para mas mapabilis ang pamamahagi ng bakuna.

Aminado naman si Vergeire na kulang din ang health workers sa ngayon kaya irerekomenda nila na gamitin na rin ang mga non-health workers sa pagbabakuna.

Maaari silang makatulong sa screening, counselling at monitoring ng taong nabakunahan.

Pero ang dapat pa rin aniyang magturok ng bakuna ay doktor, nurse, midwife o pharmacist na na-train sa prosesong ito.

Facebook Comments