Plano ngayon ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na magtayo ng temporary dormitories para sa health workers na frontliners sa COVID-19.
Kabilang sa mga lugar na pinagpipilian na pagtayuan ng pansamantalang dormitoryo ay ang Quezon Memorial Circle o ‘di kaya ay sa malawak na lugar ng Veterans Memorial Medical Center.
Mga lugar na pinakamalapit para sa mga namamasukan sa East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute at Veterans Memorial Medical Center.
Ang mga nasabing hospital ay tumatanggap ng pasyente na may sintomas ng COVID-19.
Ang pagtatayo ng temporary shelters ay inisyatibo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mismong si Dr. Gloanne Adolor ng Lung Center of the Philippines ang nagsabing kailangan na magkaroon ng isang lugar para pahingahan ng mga hospital worker para hindi na kailangang umuwi.