Health workers, magsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng Senado laban sa korapsyon at kakulangan sa pondo para sa kalusugan

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga health worker at health professionals ngayong umaga sa harap ng Senado sa Pasay City.

Ito’y kaugnay sa nagpapatuloy na deliberasyon sa Senado hinggil sa panukalang 2026 budget ng Department of Health (DOH).

Ayon sa grupo, habang bilyon-bilyong piso ang napupunta umano sa korapsyon at pork barrel, patuloy namang nagtitiis ang mga health worker sa mababang sahod, kakulangan ng tauhan, kawalan ng job security, at limitadong access ng mamamayan sa libre at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Iginiit ng grupo ang mas mataas na pondo para sa kalusugan at ang pagtigil sa sistematikong katiwalian na anila’y nagpapahirap sa sektor ng serbisyong medikal.

Kaya umano hindi nila masisisi ang ilang mga nurse at medical practioners na nagtutungo sa ibang bansa para doon magtrabaho dahil na rin sa mababang sahod at pagkawalang pakialam ng pamahalaan sa mga health workers.

Facebook Comments