Tiniyak ni Deputy Chief Implementer of the National Policy Against COVID-19 Vince Dizon na mas ligtas na ngayon ang ating mga medical frontliner.
Kasabay na rin ito ng layunin ng pamahalaan na makapag sagawa ng mass testing upang agad silang ma-isolate at mabigyang ng karampatang atensyong medical.
Ayon kay Dizon, prayoridad ng gobyerno ang kapakanan ng ating mga health worker kung kaya’t nag-invest sila sa mga specimen collection booths.
Paliwanag ni Dizon, mahalaga ang specimen collection booths para mabigyan ng proteksyon ang mga health worker upang hindi sila magkaroon ng direktang kontak sa isang pasyente.
Maliban ditto, tuluy-tuloy din ang pamamahagi nila ng mga personal protective equipment (PPE) at sa layuning mapangalagaan ng husto ang kalusugan ng healthworkers ginawa na nilang 6 hours ang duty ng mga ito o by shifting.
Kada dalawang linggo din aniya ang pagpapalit palitan ng medical teams at agad din silang sumasailalim sa 14-day quarantine period.