Health workers na ayaw magpaturok ng Sinovac, prayoridad sa AstraZeneca vaccines – Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na mananatiling prayoridad ang mga health workers sa British-Swedish brand na AstraZeneca vaccines lalo na ang mga hindi nagpaturok ng Chinese vaccine na Sinovac.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, susundin pa rin ang priority list sa vaccination program.

Pero nilinaw ni Roque na kahit dumating na ang AstraZeneca vaccines sa bansa at aprubado na ito ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG), hindi pa agad maisasagawa ang rollout ng naturang bakuna.


Sabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, hihintayin ng pamahalaan ang magiging desisyon ng NITAG kung ang AstraZeneca vaccines ay pwedeng gamitin sa mga senior citizen.

Nabatid na higit 400,000 doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating sa bansa kagabi.

Facebook Comments