Nadagdagan pa ng 67 ang bilang ng health workers sa bansa na nag-positibo sa COVID-19.
Bunga nito, umaabot na sa 1,619 ang bilang ng healthcare workers sa bansa ang infected ng COVID
Kinumpirma naman ng DOH na umaabot na sa 33 ang bilang ng mga nasawing health workers habang 250 ang naka-recover.
Sa kabilang dako, iniulat naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Lung Center of the Philippines ay hindi na nakapagtala ng bagong healthcare worker na positibo sa COVID-19.
Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang kanilang mga hakbangin para matiyak ang proteksyon sa health care workers.
Nais naman ni Dr. Shelley Dela Vega ng institute on aging na magkaroon ng flu vaccine para sa senior citizens.
Bagamat hindi naman aniya gamot sa COVID-19 ang flu vaccine, makakatulong aniya ito para mabawasan ang sintomaa ng COVID.