Health workers na nagkasakit ng COVID-19, umakyat na sa 13,660

Umabot na sa 13,660 ang bilang ng healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 150 bagong kaso nitong nakalipas na linggo.

Sa COVID-19 report, aabot na sa 13,301 na health workers ang gumaling habang nananatili sa 76 ang bilang ng mga gumaling.


Nasa 283 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang nurses ang may pinakamataas na bilang ng kaso na may 4,831 infections, kasunod ang mga doktor (2,246), nursing assistants (1,017), medical technologists (677) at midwives (461).

Higit 600 iba pang medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang kasama rin sa tala.

Facebook Comments