Health workers na tinamaan ng COVID-19, higit 11,000 na

41

Pumalo na sa higit 11,000 ang bilang ng mga health care workers na tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH) na sa 11,297 ang kabuuang bilang ng mga health workers na nagka-COVID kung saan nasa 10,958 naman ang nakarekober.


Bukod dito, umaabot na lamang sa 268 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 infections sa hanay ng mga health care workers.

Sa nasabing bilang, 129 ang mild cases, 105 ang asymptomatic, 23 ang severe, at 11 ang kritikal.

Umaabot naman na sa 71 ang bilang ng mga health care workers na nasawi dahil sa COVID-19 habang patuloy na nananawagan ang pamahalaan sa publiko na patuloy na mag-ingat upang hindi na lumaki pa ang bilang ng mga tinamaan ng virus.

Facebook Comments