Nakapagtala ang Department of Health ng 207 health care workers na bagong tinamaan ng COVID-19.
Sa kabuuan, aabot na sa 14,041 ang COVID-19 cases sa mga health frontliners mula nitong January 16.
Aabot naman sa 13,699 ang bilang ng mga health workers na gumaling, habang 77 ang namatay.
Nasa 265 medical workers ang active cases at sumasailalim sa treatment of quarantine.
Ang nurses pa rin ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may 4,986 infections, kasunod ang mga doktor na may 2,302, nursing assistants na may 1,056, medical technologists na may 710 at midwives na may 478 cases.
Facebook Comments