Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 2,869

Umakyat pa sa 2,869 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

Sa COVID-19 daily report ng Department of Health (DOH), nasa 1,839 ang gumaling sa sakit at nananatili sa 33 ang namatay.

Nasa 997 medical workers ang sumasailalim sa treatment o quarantine.


Ang limang propesyon na may mataas na bilang ng COVID-19 infections ay mga nurse (1,047 cases), doctors (753), nursing assistants (188), medical technologists (114), at radiologic technologist (56 cases).

Mayroon ding 379 non-medical staff ang dinapuan ng virus.

Ang bilang ng healthcare workers na nagkaroon ng COVID-19 ay 11% ng kabuuang bilang ng kaso sa bansa.

Facebook Comments