Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa higit 2,700

Umakyat na sa 2,734 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,557 healthcare workers ang gumaling habang nananatili pa rin sa 32 ang nasawi.

Nasa 1,145 medical workers ang active cases kung saan sumasailalim ang mga ito sa treatment o quarantine.


Mula sa nasabing bilang na 1,008 ang mild cases, 136 ang asymptomatic, isa ang nasa severe condition.

Ang bilang ng healthcare workers na dinapuan ng COVID-19 ay 13% ng kabuuang kaso sa buong bansa.

Sa ngayon, aabot na sa 21,895 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 4,530 ang gumaling habang umakyat na sa 1,003 ang namatay.

Facebook Comments