Health workers, nagbabalang mangyari rin sa Pilipinas ang COVID-19 surge na nararanasan sa Indonesia

Naniniwala ang grupo ng mga health workers na mahihirapan ang Pilipinas na kontrolin ang COVID-19 surge na nangyayari sa Indonesia bunsod ng Delta variant.

Ayon kay Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza, hindi kakayanin ng bansa na makabangon sa malalang impact ng Delta variant dahil sa kawalan ng health workers at sa mga kinakaharap na isyu sa healthcare capacity.

“Mahihirapan tayong mag-recruit ng health workers kung napakababa pa rin ng pasahod at benepisyo hindi pa binibigay,” sabi ni Mendoza sa panayam ng CNN Philippines.


Aniya, nakakatakot na mangyari sa Pilipinas ang COVID surge sa Indonesia dahil kulang-kulang ang mga pasilidad ng bansa lalo na sa rural areas.

Dagdag pa ni Mendoza, maraming health workers ang gusto ring maagang magretiro.

Hindi rin sapat ang ventilators at intensive care units (ICU) sa mga pribadong ospital.

Facebook Comments