Health workers nanawagan na ibalik ang tinapyas sa kanilang budget na aabot sa mahigit isang bilyong piso

Manila, Philippines – Umapila ang Association of Health Workers sa mga mambabatas na ibalik sa kanila ang tinapyasan na isa punto limang bilyong piso na panukalang pondo para sa 2018 proposed budget sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.

Ayon kay AHW Spokesperson Lovely Tangal noong 2017 proposed budget ng MOOE ay umaabot sa 5. 3 bilyong piso pero ngayong 2018 proposed ng MOOE ay umabot sa 3.74 bilyong piso nalamang kung saan tinapyasan ng mahigit 1. 5 bilyong piso.

Paliwanag ni Tangal sa Maintenance and Other Opearation Expenses ay dito umano kinukuha ang pambili ng gamot, supplies,pambayad ng kuryente at tubig sa ospital maging sa pampasahod sa mga kontrakwal na empleyado ay doon na kinukuha.


Pero kung susuriin umano ng husto ang 2008 DOH proposed budget ay maraming lumpsum budget na walang detalye kung saan umano ilalagay ang pondo.

Tanong ng grupo bakit hindi umano ilaan ang naturang pondo sa mga ospital para sa direktang serbisyo sa mga mahihirap na pasyente.

Nagbanta ang grupo na magsasagawa sila ng mga sunod sunod na kilos protesta upang iparating sa gobyerno ang kanilang mga kahilingan na maibalik na ang tinapyasang pondo para sa kanilang mga Health workers.

Facebook Comments