Health Workers ng Cotabato City nagsauli ng nawalang P27K

Muling pinatunayan ng mga Cotabateño na namamayani pa rin ang ginintuang kalooban ng mga taga syudad itoy matapos makapagsuli ng malaking halaga ng pera ang dalawang Health Workers ng Office on Health Services ng City LGU.

Sinasabing nagmula sa isang Seminar sa South Cotabato ang mga kawani ng OHS, nag- jingle ang mga ito sa Comfort Room sa Petron Gasoline Station sa Crossing Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao kagabi ng mapansin ang coin purse sa ibabaw ng toilet bowl.
Agad namang ipinag alam ng mga ito sa Duty Guard ng Gas Station ang pagkakatagpo sa coin purse at nakapagdesisyon na iturn over ito sa DXMY RMN Cotabato. Dito na nabatid na naglalaman ng halos P 27K ang coin purse.

Ngayong umaga ay ipinanawagan sa programang Staright to the Point ang kagandaang loob ng di na nagpakilalang mga taga OHS . Matapos ang ilang sandali ay dumating sa DXMY ang mag –asawang nagpakilalang nagmamay- ari ng coin purse. Matapos isalasay ang mga pangyayari at pagkakatugma ng description sa coin purse at laman nitong halaga ng pera ay tila nabunutan ang mga ito ng tinik sa dibdib.


Kaugnay nito lubos na nagpasalamat ang mag asawang Health Worker ng DSWD Maguindanao at Police Parang sa pagkakabalik ng kanilang nawalang pera sa tulong ng dalawang empleyado ng OHS at DXMY.

Umani naman ng pagsaludo at papuri sa publiko ang kagandahang loob na ginawa ng dalawang health workers.

Facebook Comments