Health workers, pinaalalahanan na hindi kailangan ng accreditation para makalusot sa mga checkpoint

66

Hindi na kailangan ng health workers na kumuha ng accreditation ID mula sa pamahalaan para hindi na maharang sa mga itinakdang checkpoint para sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sapat na ang Professional Regulatory Commission (PRC) ID o ang kanilang ID mula sa mga ospital o establisyimento na kanilang pinagtatrabahuan.


Aniya, ayaw ng pamahalaan na mahirapan pa ang mga health workers na kumuha ng ID.

Matatandaang sinabi ni Nograles na maglalabas ng special ID ang International Press Center para sa mga media na nagco-cover sa COVID-19 at iba pang frontliners.

Kasabay nito, nagpapasalamat ang gobyerno sa mga health workers na mga real life heroes.

Facebook Comments