Health workers, tinawag na ‘bastos’ si Presidential Spokesperson Harry Roque

Tinawag ng ilang health workers na bastos si Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng video na naging emosyonal ito habang nasa Inter-Agency Task Force meeting.

Ayon kay Dr. Leni Jara ng grupong Shape Up to Defeat COVID-19, dapat humingi ng tawad si Roque sa ginawa nitong pambabastos sa mga nagtatrabaho at nagliligtas ng mga pasyente.

Paliwanag ni Jara, hindi rason ang pagiging stressed ni Roque para hindi respetuhin ang ating healthcare workers.


Facebook Comments