Healthcare capacities sa Visayas at Mindanao, pinadadagdagan ng 50% dahil sa COVID-19 surge

Pinadadagdagan na ng Department of Health (DOH) ang healthcare capacities sa Visayas at Mindanao kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Abdullah Dumama at CESO III Field Implementation and Coordination Team sa Visayas at Mindanao, ipinag-utos na nila sa mga pampublikong ospital na pag-aralang muli ang kanilang surge capacity plans at dagdagan ang Intensive Care Unit (ICU) COVID-19 dedicated beds ng 50%.

Aniya, hinikayat din ang mga pribadong ospital na dagdagan ang kanilang ICU dedicated COVID-19 beds ng 20 hanggang 30%.


Tiniyak naman ni Dumama na nagsasagawa na ang regional offices ng DOH ng consultative meetings sa mga ospital para matukoy ang kanilang mga pangangailangan.

Tinutugunan na rin aniya ang kakulangan sa human resource for health sa pamamagitan ng emergency hiring ng healthcare workers.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa uniformed personnel groups gaya ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa pag-deploy ng kanilang human resources for health.

Facebook Comments