Magtatayo ang pamahalaan ng karagdagang pasilidad bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kasunod ng pagkakadiskubre ng bagong strain o uri ng virus na pinaniniwalaang mas matindi kaysa sa unang bersyon ng virus.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ido-doble ang health care capacity dahil inaasahang paglobo ng kaso nang matuklasan ang G614, ang mutated strain ng SARS-NCoV-2.
Maraming pasilidad ang maaaring tumanggap ng 12,427 patients sa Luzon, 3,565 sa Visayas, at 3,893 sa Mindanao na nakatakdang itayo sa mga susunod na linggo.
Una nang nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang bagong natukoy na strain ay hindi kinakatawan ang aktwal na kaso sa buong bansa.
Facebook Comments