Pinapalawig ni Albay Representative Joey Salceda ang gamutan, isolation at testing capacity sa mga probinsya.
Ito ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 8.7% ang unemployment rate nitong Abril, hindi hamak na mas mataas sa 7.1% unemployment rate noong Marso.
“The April unemployment rate, up to 8.7% from the March figure of 7.1%, demonstrates how fragile our employment situation remains as herd immunity is yet to be achieved and as COVID-19 cases begin to move from Mega Manila to the provinces,” sabi ni Salceda.
Ipinapakita ng pagtaas ng unemployment rate kung gaano kahina ang sitwasyon ng trabaho sa bansa lalo’t nananatili pa ring target na makamit ang herd immunity at banta pa ngayon ang pagtaas ng COVID-19 cases sa mga probinsya.
“First, we must expand treatment, isolation, and testing capacity in the provinces where COVID-19 cases are now increasing,” dagdag pa ng mambabatas.
Ayon kay Salceda, dahil sa kapansin-pansin na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit sa mga probinsya ay mahalagang ngayon pa lamang ay palawakin na ang treatment, isolation at testing capacity sa mga lalawigan.
“Healthcare expansion will be a must if we want to buy space to avoid lockdown,” pahayag ng kongresista.
Giit ni Salceda, kailangang maisakatuparan ang healthcare expansion sa mga probinsya upang maiwasan na ang mga lockdowns na isa sa dahilan ng pagkawala ng hanapbuhay ng maraming Pilipino.
Binigyang-diin ng mambabatas na mas himukin pa ang confidence at interest ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccine dahil walang ibang alternatibo sa herd immunity tungo sa matatag na long-term job recovery.