Healthcare heroes card para sa mga healthcare workers sa bansa, itutulak sa Senado ni Senatorial Aspirant Monsour Del Rosario

Isusulong ni Senatorial Aspirant Monsour Del Rosario ang kapakanan ng healthcare workers sa bansa na itinuturing na bagong bayani ngayon pandemya.

Sa interview ng RMN News Nationwide kay Del Rosario na tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Reporma, sinabi nito na sakaling makapasok sa Senado ay ang mga benepisyo ng ating mga healthcare worker ang agad niyang tututukan.

Partikular aniya rito ang pagbibigay ng tinatawag niyang “Healthcare heroes card” na magbibigay ng 20% na diskwento sa lahat ng serbisyo at produkto para sa mga healthcare worker sa bansa tulad ng natatamasa ng mga PWD at senior citizen.


Balak din ni Del Rosario na itaas ang sweldo ng mga medical frontliner upang hindi na sila mapilitang mangibambansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Facebook Comments