Para kay Senator Joel Villanueva, mas mainam na pagtuunan na lang ng gobyerno ang pagpapahusay sa ating Healthcare System sa halip na bigyang konsiderasyon ang pagdeklara ng martial law.
Reaksyon ito ni Villanueva sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapatupad ng martial law kapag nagpatuloy ang pag-atake ng New Peoples Army o NPA sa mga pulis at sundalo habang may pandemic.
Giit ni Villanueva, mas mabuting ibuhos na lang ng pamahalaan ang enerhiya sa pagpapalawak ng kapasidad para sa COVID-19 testing at surveillance ng national at lokal na pamahalaan.
Mungkahi pa ni Villanueva, pag-aralan din ang pagbubukas ng ilang sektor para sa kapakanan ng ating ekonomiya.
Sa tingin ni Villanueva, walang maitutulong ang martial law sa hinaharap nating krisis ngayon dulot ng COVID-19.