Healthcare system ng bansa, dapat buhusan ng pondo – NTF special adviser

Aminado si National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa na matinding debate ang panukalang 3-week lockdown sa Metro Manila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Herbosa na kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang magpatupad ng lockdown dahil mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Gayunman, hindi rin pwedeng hayaang magutom ang mga tao kung muling isasara ang ekonomiya.


Kaya mungkahi niya sa gobyerno, magbuhos ng pondo sa pagpapalakas ng healthcare system, mag-hire at taasan ang sahod ng mga nurse.

“Ang kinakalaban mo, hindi naman talaga ‘yung health ng tao e kasi alam na natin gagawin natin e, di ba magsuot ng mask, umiwas sa matataong lugar, magpabakuna,” ani Herbosa.

“Ang problema natin ‘yung health system, ‘yung ating mga ospital. Ang kapasidad nito may limit. ‘Pag ikaw ay nag-open, magko-collapse yung ating health system kagaya nung nangyari sa India. ‘Yun ang pinipigilan mo sa paggawa nung ECQ,” paliwanag pa niya.

Kinontra naman ni Herbosa ang pahayag ng dating NTF special adviser na si Dr. Tony Leachon na posibleng maging epicenter ng COVID-19 ang Pilipinas sa buong Southeast Asia.

“One of the thing we shoud never do in a pandemic is to create rumors and fear. Kasi the more, hindi mo makukuha yung cooperation ng madla.”

Facebook Comments