Pinapalawak pa ang healthcare system at healthcare programs sa bayan ng Lingayen matapos ang isinagawang 1st quarter Local Health Board at Municipal Nutrition Council Meeting para sa C.Y. 2023.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga reports mula sa mga pangkalusugang programa ng lokal na pamahalaan ng Lingayen tulad ng supplemental feeding program (Tutok Kainan at Operation Timbang) na nakatutok sa nutrisyon ng mga bata sa munisipyo.
Isa rin ang usapin sa aktibidad ukol sa ang pre-marriage counseling at family planning programs para sa mga mag-asawa sa bayan.
Binabantayan din ang inspeksyon sa halos 70 water refilling stations sa Lingayen at ang patuloy na sanitary inspection sa iba’t ibang establisyemento partikular na sa mga food business.
Ihahatid naman ang dental health program lalo na sa mga day care pupil at magkakaroon ng serbisyong dental sa itinakdang oras sa tatlong Rural Health Unit sa bayan.
Layunin ng pagpapalakas ng healthcare system ng Lingayen na maibigay at makamit para sa mga residente ng bayan ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. |ifmnews
Facebook Comments