Healthcare system sa US, pagbubutihin pa

Ipinangako ni U.S. President Donald Trump na magbibigay siya ng mas mabuting healthcare system para sa mga kababayan nito.

Ito ay kung ibabasura ng US Supreme Court ang 2010 Affordable Care Act o mas kilala bilang “Obamacare”, ang isinusulong na healthcare program ni dating President Barack Obama na pinakikinabangan ng 20 million  Americans.

Ayon kay Trump – masyadong mahal ang Obamacare at may pinaplano siya na mas maganda at mahusay kaysa rito.


Hiniling ng US justice department ang 5th Circuit Court of Appeals na ibasura ang Obamacare, dahil labas ito sa kanilang konstitusyon dahil nire-require ang mga tao na mag-avail ng health insurance.

Facebook Comments