Healthcare utilization, nananatiling manageable sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases – DOH

Nananatiling nasa ‘manageable level’ ang healthcare utilization sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) sa harap ng mga ulat na umaapaw na ang healthcare facilities ng mga COVID-19 patients.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon pa halos 50% kapasidad ang mga ospital at pasilidad para tumanggap ng mga pasyente.


“We checked and went around and saw an increase in the number of people in the emergency room, the suspects or those who have symptoms of COVID, but to say the system is overwhelmed, no,” sabi ni Vergeire.

Sinabi rin ni Vergeire na ang mga lumalabas na projections o pagtaya ay posibleng mangyari o hindi.

Batay kasi sa projection ng OCTA Research Group, posibleng makapagtala ang bansa ng 5,000 hanggang 6,000 COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Marso kung magpapatuloy ang upward trend.

Facebook Comments