Nasa high risk na ang healthcare utilization rate ng mga ospital sa bansa.
Gayunpaman, agad nilinaw ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi pa naman ito umaabot sa critical risk.
Ibig sabihin, mayroon pang espasyo sa mga ospital para sa mga pasyente na tinatamaan ng COVID-19.
Batay sa COVID-19 update ng gobyerno hinggil sa healthcare utilization rate sa buong bansa hanggang kahapon, naitala ang 73% occupancy ng mga Intensive Care Unit o ICU beds, 61% ang isolation beds, 67% ang ward beds at 54% ang mga nagagamit na ventilators.
Kung ang pag-uusapan naman ay ang National Capital Region (NCR), naitala ang 72% na occupancy rate ng ICU beds, 60% na okupado ang isolation beds, 71% ang ward beds, at 58% ang mga nagagamit na ventilators.