Healthcare utilization rate sa apat na probinsyang isinailalim sa Alert Level 4, lampas 70% na!

Pumalo na sa mahigit 70% ang Healthcare Utilization Rate ng mga ospital sa Kalinga, Ifugao, Mountain Province at Northern Samar.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, umakyat na rin sa 80% ang kanilang hospital capacity kaya nahihirapan na silang tumanggap ng mga pasyenteng may severe at critical cases ng COVID-19.

Ngayong araw nang simulang isailalim sa Alert Level 4 ang mga nasabing probinsya na tatagal hanggang sa Enero 31.


Samantala, nasa ‘high risk’ na rin ang hospital utilization rate sa Eastern Visayas.

Ayon kay Dr. Marylaine Padlan, medical officer ng One Hospital Command Center (OHCC), marami rin ang nasa ‘moderate risk’ gaya ng NCR, Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, 5, 6, 7, 11 at 13.

Sa ngayon, mahigit 1,120 tawag na rin ang natatanggap ng OHCC kada araw na karamihan ay request para sa isolation facilities kaysa sa hospital referrals.

Facebook Comments