Ilang ospital sa Metro Manila ang nakakaranas ng moderate hanggang high-risk levels sa occupancy rate sa harap na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nasa 54-percent na ang utilization ng COVID-19 beds at isolation sa buong National Capital Region (NCR).
Ang mga level 3 hospitals o yung mga malalaking pampubliko at pribadong ospital ang nakakaranas na ng ganitong mataas na lebel.
Gayumpaman, naniniwala si Vega na nasa maayos na katayuan ngayon ang Pilipinas sa pagtugon sa pandemya hindi tulad noong nakaraang taon.
Facebook Comments